PRRD mataas ang kumpyansa kay Sec. Duque

106

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng kinakaharap ng bansa patungkol sa corona virus.

Ayon sa Pangulo, hindi naman bagito si Duque bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan at sa katunayan, ito na ang ikalawang pagkakataon na mapangunahan nito ang health department.


Sinabi ng Pangulo na isang masipag na kalihim si Duque at batid nito ang sinseridad sa kanyang trabaho.

Paliwanag ni Duterte ito ang dahilan kung bakit niya kinuha sa kanyang team at naging kabahagi ng kanyang admnistrasyon si Duque.

Nabatid na unang nagsilbi bilang health secretary si Duque sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong  June 2005 – January 2010.

Facebook Comments