Manila, Philippines – Hindi pa rin nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Bill.
Nabatid na may hanggang mamayang alas-dose nang hatinggabi na lang ang Pangulo para pirmahan ang panukalang batas.
Paliwanag ni Pangulong Duterte – nasa 6,000 mga dokumento kasi ang pinipirmahan niya kada araw at hindi naman siya superman para matapos ito sa loob lang ng isang araw.
Kung hindi pa ito malalagdaan ng pangulo bago mapaso mamayang hatinggabi ay otomatiko itong magiging batas.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Bill, wala nang limitasyon sa pag-aangkat ng bigas ang mga private sector kapalit ng pagbabayad ng taripa sa gobyerno.
Sa pamamagitan nito, mapaparami ang suplay ng bigas sa bansa at bababa ang presyo nito sa merkado.
Facebook Comments