PRRD, may i-a-appoint muli na galing sa militar

May itatalaga muli si Pangulong Rodrigo Duterte na galing sa militar.

Sa kanyang talumpati sa Araw ng Kagitingan commemoration sa Jolo, Sulu kahapon, naniniwala ang Pangulo sa kanilang katapatan at kasipagan sa pagtatrabaho.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang kanyang mga appointee sa pagtulong na paganahin ang gobyerno.


Dagdag pa ng Pangulo tinaasan din niya ang budget ng government hospitals para sa mga sundalo.

Tiniyak din ng Pangulo na maghahanap siya ng mapagkukunan ng pondo para ma-upgrade ang equipment ng militar.

Facebook Comments