PRRD, may mga sisibakin muling mga opisyal sa susunod na linggo

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga sisibakin muli siyang mga government officials sa susunod na linggo.

Pagtitiyak ng Pangulo na gagawin niya ang lahat ng makakakaya na masugpo ang korapsyon sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa Koronadal City, hinihintay na lamang niya ang report ng mga ito bago magdesisyon.


Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang mga opisyal.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi uusad ang bansa kung hindi mahihinto ang korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments