Manila, Philippines – May kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang pag-aangkat ng bigas sa panahon ng anihan.
Ito ay gitna ng pangambang makakaapekto sa local rice industry ang pagtaas ng rice importation bunsod ng rice tarrification law.
Ayon kay Senator Cynthia Villar – maaari nilang bigyan ng special power ang Pangulo hinggil dito kung sa tingin niya makakabuti ito sa mga magsasaka.
Tiniyak din ni Villar na sa tuwing harvest season ay walang mangyayaring importation.
Si Villar ay principal author ng rice tariffication law at sinabing malabong magkaroon ng rice shortage sa bansa.
Aniya, ang 93% ng rice demand sa bansa ay nagmumula sa local production habang ang importation ay nasa pitong porsyento.
Para kay Villar, ang pagpapagaan ng rice importation ay makakapagresolba ng isyu ng hoarding.