PRRD, minaliit ang NPA sa pamamahagi ng lupa

276

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng lahat ng lupa ng gobyerno.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay sa pagmamaliit nito sa pangako ng New People’s Army (NPA) na bibigyan nila ang bawat mamamayan ng lupa.

Tanong ng Pangulo, bakit pa kailangang gawin ng mga rebeldeng komunista ito kung siya na mismo o ang gobyerno na ang gumagawa nito.

Inatasan din ng Pangulo si Agrarian Reform Secretary John Castriciones na pabilisin ang proseso at ibigay sa lalong madaling panahon ang lupa sa loob ng kanyang termino.

Sa huli, pinayuhan ng Pangulo ang land reform beneficiaries na palaguin at payabungin ang lupang igagawad sa kanila.

Facebook Comments