PRRD, muling binanatan ang Canada

Muling nagbato ng tirada si Pangulong Rodrigo Duterte sa Canada kahit naialis na ang tone-toneladang basura na ilegal na ipinasok sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Davao City, sinabi ng Pangulo na aatasan niya ang Philippine Navy sa pagbabalik ng basura lalo na kung walang private shipping company ang gagawa nito.

Matatandaang ibinalik ng Pilipinas ang basura sa Canada at sinagot ang 10 million pesos repatriation cost.


Kasunod nito, inalis din ang pag-ban sa government trips sa Canada at pinabalik ang mga ambassador at mga consul.

Facebook Comments