Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay.
Tinawag ng Pangulo na walang galang ang grupo dahil sa kanilang pag-ookupa sa housing units na pinagawa ng pamahalaan para sa pamilya ng mga pulis at sundalo sa Bulacan noong 2017.
Sa kabila ng batikos, hindi magagawa ng Pangulo na patulan ang Kadamay.
Bwelta ni Kadamay Chairperson Gloria Arellano – ang presidente ang numero unong promotor ng kabastusan.
Duwag din aniya ang Pangulo sa mga mahihirap na lumalaban.
Facebook Comments