PRRD, muling iginiit na handa siyang bumaba sa pwesto

Handang bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling ayawan na siya ng mga sundalo at pulis.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa isang thanksgiving party sa Davao nitong weekend.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na kailangang mag-kudeta ng mga pulis at sundalo kung ayaw na nila sa kanya.


Sabi pa ni Pangulong Duterte na ayaw din niyang magbarilan ang mga alagad ng batas at kanyang Presidential Security Group (PSG).

Pero kung bababa aniya sa puwesto ay isang babae na ang kanilang magiging Pangulo.

Facebook Comments