Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na palitan ang Smartmatic bilang election technology provider.
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos igiit ng poll body na walang nangyaring anomalya sa May 13 midterm elections at kailangang may legal na basehan para i-ban ang anumang supplier o provider sa mga susunod na halalan.
Ayon sa Pangulo – hindi niya matatanggap kapag may isa lang na boto ang masayang.
Bago ito, sinabi ng Comelec na ang accuracy ng mga vote counting machine (VCM) na ginamit nitong May 2019 elections ay nasa 99.9953% matapos ang isinagawang random manual audit (RMA).
Facebook Comments