May alok na pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang Filipino na makakadiskubre ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, magbibigay ng hanggang ₱10 milyon si Pangulong Duterte.
Sa ngayon, wala pang gamot o bakuna laban sa COVID-19 pero mayroong ilang medesina ang sinusuri na posibleng maging lunas sa nasabing sakit.
Maliban ditto, inanunsyo rin ni Roque na magkakaloob si Pangulong Duterte ng “substantial grant” sa University of the Philippines-Philippine General Hospital para sa pagdiskubre ng bakuna.
Una nang sinabi ng Pangulo na handa ang Pilipinas na sumali sa alinmang clinical trials at medical studies para sa potential vaccines at medicines para sa COVID-19.
Facebook Comments