PRRD, nag-isyu ng travel alert sa Zamboanga

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga turista na iwasan munang pumunta sa Zamboanga pansamantala.

Ito ay sa gitna na rin banta sa seguridad hatid ng mga lokal na teroristang umaanib sa Islamic State o IS.

Sa kanyang talumpati sa 7th Union Asia Pacific Regional Conference sa Pasay kagabi, nag-isyu ang Pangulo ng travel alert para maprotektahan ang mga bumibisita sa bansa lalo na at may ilang taga-Europa ang dinudukot at pinapatay ng mga lawless elements sa lugar.


Sinabi pa ng Pangulo – tinawag ng Pangulo ang teroristang Abu Sayaff Group (ASG) na “corrupt” at sangkot sa “mass insanity”.

Bago ito, idineklara ni Pangulong Duterte na hindi makakapagtatag ang Islamic State saan mang lugar sa Pilipinas dahil na rin sa pinaigting na kampanya kontra terorismo.

Facebook Comments