Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsusuot nito ng floral polo sa inauguration ng Bataan Government Center and Business Hub sa Balanga City.
Ayon sa Pangulo – ang kanyang protocol officers ang nagdesisyon kung ano ang kanyang susuotin sa okasyon.
Kasabay nito, tinawag din ni Pangulong Duterte na “up-and-coming” speaker ng kamara si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Si Velasco ang inaasahang papalit kay Cayetano pagkatapos ng 15-buwang termino, na magsisimula sa Hulyo.
Facebook Comments