Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Davao Representative Pantaleon Alvarez matapos siyang mapatalsik bilang speaker ng Kamara.
Katwiran ng Pangulo – hindi niya kayang pigilan ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na siyang nanguna para alisin sa pwesto si Alvarez.
Bilang isang ama, hindi niya kayang makipag-alitan sa anak na babae.
Nabatid na pinalitan si Alvarez ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo noong ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte noong July 2018.
Facebook Comments