Humingi ng paumanhin si pangulong rodrigo duterte sa mga lokal na magsasaka dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng palay sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na hahanap siya ng paraan para tugunan ang problema.
Pero iginiit niya na hindi niya ipapawalang bisa ang rice tariffication law dahil posibleng magresulta ito sa food crisis.
Naniniwala rin ang pangulo na imposibleng maging rice sufficient country ang pilipinas.
Tiniyak naman ng pangulo na makikipagpulong siya sa mga magsasaka para tulungan sa kanilang problema.
Facebook Comments