Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na magkaroon ng kaunting kaguluhan sa bansa sa mga susunod na buwan.
Kasunod ito ng utos ng Pangulo sa militar na tapusin ang ilang dekadang rebelyon sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Quezon City kagabi sinabi ng Pangulo na hindi na dapat mamana ng susunod na henerasyon ang problema sa rebelyon at komunismo.
Binanggit din ng Pangulo ang “very radical change” sa gobyerno para epektibong resolbahin ang mga hamong pangseguridad.
Matatandaang pinutol ni Pangulong Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP) dahil sa paulit-ulit na pag-atake ng NPA sa mga tropa ng pamahalaan.
Facebook Comments