PRRD, nagbabala sa mga DAR officials

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nasa likod ng pagkakaantala ng land use conversion.

Payo ng Pangulo sa mga DAR officials, maghanap na ng ibang trabaho o ipapatapon niya ang mga ito sa Jolo, Sulu kung saan pwede silang dukutin ng Abu Sayyaf Group.

Una nang sinabi ng Pangulo na may sisibakin siyang opisyal ngayong araw dahil sa mabagal na pagproseso ng land conversion application.


Iginiit ng Pangulo na dapat napoproseso lamang ito sa loob ng buwan, hindi dalawang taon.

Facebook Comments