“No mercy”
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug traffickers at mga terorista na layon lamang na wakasin ang bansa.
Ayon sa Pangulo – handa niyang suklian o gantihan “100 times” ang mga kalapastangang gagawin ng mga kalaban ng estado.
Aniya, ang ilegal na droga ay nagagawa na saan mang lugar at naaangkat na sa bansa sa pamamagitan ng lupa, himpapawid at sa dagat.
Binanggit din ng Pangulo na ang Sinaloa drug cartel ng Mexico at Bamboo triad ng Asya ay nagsanib pwersa na para palakasin ang drug trafficking sa bansa.
Inatasan na ng Pangulo ang pwersa ng gobyerno na tapusin ang problema ng droga sa loob ng kanyang termino.
Facebook Comments