PRRD, nagbabalang magkakaroon ng problema kapag hindi nasunod ang Term-Sharing sa House Speakership

580

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng problema kapag tinalikuran ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Term Sharing Agreement nito kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Matatandaang sinabi ng ilang mambabatas na posibleng lumampas sa 15 buwan ang pananatili ni Cayetano dahil pinagkakatiwalaan at maayos ang performance niya bilang lider ng Kamara.


Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo, nananatili pa namang ‘hypothetical’ ang isyu.

Iginiit ng Pangulo na nandoon siya nang mabuo ang kasunduan.

Una nang sinabi ni Cayetano na susundin niya ang anumang gusto ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

From Advertisers