PRRD, nagbanta sa Canada kapag hindi kinuha ang mga basura nito sa Pilipinas

Photo Courtesy: CHANGE.ORG PETITION

Nagbanta ng giyera si Pangulong Rodrigo Duterte sa Canada kung hindi nila kukunin ang mga basurang itinambak nila sa Pilipinas anim na taong nakalipas.

Ayon sa Pangulo – itatapon niya ang limang dump truck ng basura ng Canada sa Canadian Embassy.

Ang natitira naman aniya ay ipapadala niya sa North America sa susunod na linggo.


Tiniyak ng Pangulo na hindi niya hahayaang gawing dumpsite ng Canada ang bansa.

Nitong 2013, nasa 50 container ng basura mula Canada ang impounded ng Philippine customs at nanatili ito sa landfill sa Tarlac.

Facebook Comments