PRRD, nagbantang i-ve-veto ang panukalang 2019 budget

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na i-ve-veto ang panukalang ₱3.757 trillion 2019 national budget.

Ito ay sa gitna na rin ng alegasyong may illegal insertions at realignments na ginawa sa budget bill.

Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Bacolod City kagabi, nangako ang Pangulo na bubusiing mabuti ang budget na isinumite sa kanya ng Kongreso.


Binanggit din ng Pangulo ang hindi pagkakasundo ng Kamara at Senado hinggil dito.

Aniya, hindi siya magdadalawang-isip na barilin ang budget kapag nakitaan niya ito ng iregularidad.

Mula nitong Enero, ang gobyerno ay nag-o-operate sa ilalim ng re-enacted budget.

Facebook Comments