Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-aatubiling sampalin sa harap ni Vice President Leni Robredo si Phelim Kine, na dating deputy director ng Human Rights Watch Asia Division.
Ayon kay Pangulong Duterte, nabasa niya ang tweet ni Kine na nakahanda siya at nakaimpake na ang kanyang bagahe para pumunta ng Pilipinas at tulungan si Robredo sa war on drugs.
Dahil dito, ipinag-utos ng Pangulo sa Bureau of Immigration (BI) na papasukin sa bansa si Kine at papuntahin sa opisina ni Robredo at pabibigyan niya ng VIP treatment.
Kapag nakarating na aniya si Kine sa tanggapan ni Robredo, pupuntahan niya ito at sasampalin sa harap ng bise presidente.
Bastos aniya si Kine dahil sa pakikialam sa drug war sa Pilipinas.
Facebook Comments