PRRD, nagbigay ng 4 na puntos sa pakikilahok nito sa Virtual ASEAN Summit

Nakilahok sa Virtual ASEAN Leaders Summit si Pangulong Rodrigo Duterte kaninang umaga.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na apat na bagay ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa ASEAN Summit.

Una dito ang pangangailangan ng kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa pag-manufacture ng mga medical equipment na panlaban ng medical health workers sa COVID-19, tulad ng personal protective equipment (PPE), face masks, ventilators at iba pa.


Ikalawang ipinunto ng Pangulo ay ang seguridad ng pagkain sa buong ASEAN region.

Ikatlong bagay na binigyang diin ng Pangulo sa asean summit ay ang buong suporta niya sa mga inisyatibo at mga pananaliksik para sa kailangang bakuna laban sa COVID-19 at ginarantiyahan nito ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa mga gagawing testing sa matutuklasang bakuna laban sa coronavirus.

Panghuli, sinabi nitong hindi agad matatapos ang COVID-19 at tiyak, aniyang, may iba o panibagong virus na namang susulpot sa mga susunod na panahon, kaya marapat aniyang maging handa ang ASEAN countries sa mga susunod pang mga pagsubok na ating kakaharapin.

Facebook Comments