PRRD, nagbigay ng “passing grade” sa kanyang performance sa pamahalaan

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “passing grade” ang kanyang performance sa unang tatlong taon ng kanyang administrasyon.

Ayon sa Pangulo – natupad niya ang kanyang “basic” promises, lalo na ang paglaban sa ilegal na droga at pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo sa tao.

Dahil sa pinaigting na kampanya kontra katiwalian, maraming opisyal sa pamahalaan kabilang ang ilang cabinet members ang sinibak.


Binanggit din ng Pangulo ang pagsasabatas sa universal health at free education.

Aminado rin ang Pangulo na hindi pa rin niya natutupad ang pangakong resolbahin ang problema ng trapiko sa EDSA.

Facebook Comments