Manila, Philippines – Naghahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng mamumuno sa bagong tatag na Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon kay Duterte – makikipag-usap muna siya sa mga lider ng Karama at Senado para makapagpili siya ng mahihing kalihim ng bagong kagawaran.
Sa ilalim ng bagong ahensya, pangangasiwaan na nito ang housing management, human settlement at urban development.
Magsisilbi rin ang DHSUD bilang main planning and policy making, regulatory, program coordination at performance monitoring entity para sa lahat ng housing at urban development concerns.
Pag-iisahin na sa iisang ahensya ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).
Pamumunuan din ng bagong ahensya ang National Housing Authority (NHA) National Home Mortgage Finance Corp., Home Development Mutual Fund at ang Social Housing Finance Corp.