PRRD, nagpasalamat sa Vietnamese crew na sumaklolo sa ‘Recto Bank 22’

32
COURTESY: PCOO

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnamese crew na sumagip sa mga mangingisdang Filipino na inabandona matapos banggain ng Chinese vessel ang sinasakyang bangka sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ipinahatid ng pangulo ang pasasalamat nitong katatapos lamang na 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinamantala ni Duterte ang okasyon para idaan kay Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc ang pasasalamat para sa pagtulong ng kapitan at crew.

Sinabi aniya ng pangulo na hindi malilimutan ng sambayanang Pilipino ang kabutihang ginawa ng mga Vietnamese.

Facebook Comments

From Advertisers