Bangued, Abra – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng “more educated” na debate para matulungan ang mga botante sa pagpili ng mga kandidatong tatakbo lalo na pagkapangulo.
Sa ginanap na campaign rally ng PDP-Laban sa Abra kagabi, iginiit ng Pangulo na dapat mabigyan ng sapat na oras ang mga kandidato na maipaliwanag ng mabuti ang kanilang programa at posisyon sa mga isyu sa mga isasagawang presidential debate.
Aniya, ang mga public debate ay hindi dapat gawing money-making business ng mga TV networks.
Binanggit din ng Pangulo ang nakukuhang kita ng mga TV network sa mga debate subalit kakaunti ang ibinibigay na oras sa mga kandidato.
Nabatid na nakilala si Pangulong Duterte para sa kanyang mahahabang talumpati at gumagamit ng bullet-styled approach sa pagpiprinsinta ng kanyang plano kontra ilegal na droga, krimen at korapsyon.