PRRD, nais paimbestigahan ang mga aberya at anomalya sa pag-organisa sa Sea Games

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian sa pag-organisa sa Sea Games.

Ayon kay Presidential Spokesperosn Salvador Panelo, hindi na hihintayin na matapos ang palaro bago isagawa ang imbestigasyon.

Aniya, ikinagalit ng Pangulo ang mga pagkukulang lalo na sa paghahanda ng Pagkain, Transportasyon, at Accomodation sa mga dayuhang atleta na naghahanda rin para sa Regional Sports Meet.


Maiiwasan sana ang mga aberya kung mayroon lamang ipinatupad na Contigency Plans ang mga Organizers.

Hindi rin nagustuhan ni Pangulong Duterte ang pagsisilbi ng itlog, kikiam at kanin sa mga atleta para sa kanilang almusal.

 

Dagdag pa ni Panelo, hindi na ipatatawag ng Pangulo si Cayetano dahil nagpaliwanag na siya sa isyu pero posibleng kasama pa rin siya sa iimbestigahan.

 

Una nang humingi ng paumanhin ang Palasyo sa abalang naidudulot ng ilang problema sa mga atleta at bisita.

Facebook Comments