PRRD, nakatakdang tumungo sa Thailand para dumalo sa 35th ASEAN Summit

Tutulak patungong Thailand si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para dumalo sa 35th ASEAN Summit mula Nobyembre a-2 hanggang a-4.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary to ASEAN Affairs Junever Mahilum West, kabilang sa mga makakasama ng Pangulo sina DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez at iba pang nga myembro ng gabinete.

Kabilang sa mga nakatakdang talakayin ang pinamamadaling Code of Conduct sa South China Sea, at iba pang regional at international issues.


Bukod pa riyan, 40 outcome documents din ang inaasahang mapo-produce sa summit para sa pagsusulong ng mas inclusive ASEAN nations at mas sustainable o pangmatagalang ugnayan sa pagitan ng member countries.

Bukod sa mismong ASEAN Summit, magkakaroon din ng 1 on 1 Summit ang ASEAN member countries kasama ang China, India, United Nations, Estados Unidos at Japan para talakayin ang investments and cooperation.

Facebook Comments