Kasunod ng hirit ng ilang senador na magbitiw na sa pwesto si Health Secreatary Francisco Duque III
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi ito aalisin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagpasalamat din aniya ang Pangulo sa mga senador at dahil dito magkakaroon sya ng pagkakataon para timbangin at i-evaluate ang performance ni Duque.
Alam narin aniya ni Secretary Duque ang sentimyento ng mga senador kung kaya at inaasahan ng Pangulo na magdodoble kayod pa ito sa kanyang trabaho lalo na ngayon at nahaharap ang bansa sa krisis at ang kanyang departamento ang nangunguna dito.
Kanina, hiniling ng 14 na mga senador ang “immediate resignation” ni Secretary Duque dahil sa umano ay failure of leadership, negligence at lack of foresight” sa pagtugon sa COVID-19 Pandemic.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na nananatili parin ang trust & confidence ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Secretary Duque.
Matatandaang nakaladkad din kamakailan sa kontrobersiya ang pangalan ni Secretary Duque matapos ibunyag ni Senator Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech na nakakuha umano ng kontrata sa gobyerno noong 2016 at 2017 ang Doctors Pharmaceuticals Incorporated na pagmamay-ari ng pamilya ni Duque, dahilan para magkaroon umano ng conflict of interest sa panig ng kalihim.