Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na payapang resolbahin ang isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Sa kanyang pagdalo sa 35th ASEAN Summit Plenary sa Bangkok, Thailand, iginiit ng Pangulo na dapat resolbahin ang isyu alinsunod sa International Law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Hinimok din niya ang mga bansang kasapi ng ASEAN na magkaisa at gamitin ang lahat ng impluwensya para mahikayat ang mga panig na magkaroon ng self-restraint o pagpipigil at iwasang gumawa ng mga aksyong magpapalala sa sitwasyon sa rehiyon.
Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Duterte ang kooperasyon ng Pilipinas para mapabilis ang pagbalangkas sa Code of Conduct.
Facebook Comments