PRRD, nanawagan sa Kongreso na ipasa ang Coconut Levy Bill

Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na aprubahan ang Coconut Levy Trust Fund Bill.

Ito ay matapos niyang i-veto ang panukala, higit limang buwan na ang nakararaan.

Sa kanyang ika-apat na SONA, hindi niya makakalimutang i-angat ang buhay ng mga coconut farmers.


Ayon sa Pangulo ang coco levy funds ay ninakaw mula sa mga magsasaka sa ilalim ng martial law ng rehimeng Marcos.

Nais ng Pangulo na i-invest ang pera sa isang trust fund at magbibigay na lamang ng limang bilyong piso sa mga magsasaka para sa development ng industriya

Ang coco levy ay ang mga buwis na ipinataw sa mga coconut farmers mula 1971 hanggang 1983 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at tinatayang nagkakahalaga ng 9.7 billion peso ang kabuoang nakolekta.

Facebook Comments