PRRD, nanawagan sa mga kabataan na tangkilikin ang sports

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na hikayatin ang mga anak na sumabak sa sports.

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019, paniniwala ng Pangulo na makakatulong ito upang mapalayo ang mga kabataan sa ilegal na droga.

Iginiit ng Pangulo na nakakasira ng pamilya ang ilegal na droga kung saan tinataya niyang nasa pitong milyong Pilipino ang tila ‘alipin’ sa shabu.


Bago ito, nagpahayag ng kahandaan ang Pangulo sakaling patawan ng death sentence sakaling napatunayang guilty siya ng International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity.

Facebook Comments