PRRD, nanawagan sa mga kalapit na bansa sa Asya

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapitbahay nating bansa sa Asya na magkaisa at sama-samang lagpasan ang posibleng global economic slowdown at labanan ang banta ng terorismo at pamimirata sa karagatan.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng pagsusulong ng regional cooperation upang mapagtagumpayan ang economic at security challenges.

Sinabi rin ng Pangulo na dapat ding magbantay ang apat na bansang malapit sa Pilipinas para masugpo ang mga terorismo at iba pang lawless acts.


Inatasan din ni Pangulong Duterte ang Philippine Navy na pasabugin ang mga pirata.

Nais din ng Pangulo ang magkaroon ng closer economic cooperation na siyang maglilikha ng oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan, transportasyon, agri-business, turismo, enerhiya at proteksyon sa kalikasan.

Facebook Comments