PRRD, nangakong paalisin ang mga mangingisdang Chinese sa WPS sa takdang panahon

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa takdang panahon ay ipagbabawal niya ang pangingisda ng mga Chinese sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Sa kanyang ika-apat na SONA, muling sinabi ng Pangulo na dapat maging maingat ang pamahalaan sa anumang plano sa West Philippine Sea.

Iginiit ng Pangulo na hindi pwedeng basta-basta na lamang magpapadala ng mga tropa, maging coast guard sa pinagtatalunang karagatan.


Isinisisi rin ng Pangulo sa nakaraang administrasyon nang mawala ang kontrol ng Pilipinas sa Spratlys at Panganiban Reef.

Pero nanindigan ang Pangulo na bahagi ng Pilipinas ang West Philippine Sea.

Ipinaliwanag rin ng Pangulo na mananatili ang maayos na sitwasyon sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea sa pamamagitan ng ugnayan ng mga claimant-countries.

Facebook Comments