Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi babayaran ng gobyerno ang dalawang Water Concessionaire.
Ito ay sa kabila ng desisyon ng Arbitration Court Sa Singapore kung saan inaatasan ang pamahalaan na magbayad ng 3.6 Million Pesos sa Maynilad at 7.4 billion Pesos sa Manila Water.
Muling pinuna ng Pangulo ang kasunduang pinasok ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water noong Administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Sinabi rin ng Pangulo na dapat makasuhan ng economic sabotage ang mga nasa likod ng iregular na kontrata.
Dagdag pa niya, pinapalabas lamang ng mga probisyon sa mga naturang kontrata na isinusuko na ng bansa ang soberenya nito sa dalawang Water Concessionaire
Sa ilalim ng 1997 agreement ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ipinagbabawal ang gobyerno na manghimasok sa pagtatakda ng singil.
Ipinag-utos na ng Pangulo sa Dept. of Justice at Office of the Solicitor General na bumuo ng bagong Concession Agreement na pabor sa gobyerno at sa mga mamamayang Pilipino.