Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) na ipakulong o ipabitin siya dahil sa mga umano’y extrajudicial killings o EJK sa kanyang kampanya kontra droga.
Sa kanyang talumpati sa closing ceremony ng National ROTC Summit, tatanggihan ng Pangulo na makipagtulungan sa mga dayuhan kapag isinalang siya sa trial o paglilitis.
Binakbakan din ng Pangulo ang Estados Unidos matapos aprubahan ng human rights body nito ang resolusyon noong Hulyo para imbestigahan ang mga nangyayaring pang-abuso sa mga sa Pilipinas.
Bago ito, nagbanta ang Pangulo na sasampalin o ipapaaresto ang prosecutor ng ICC kung saan nitong February 2018 ay inanunsyo ang pagsasagawa ng preliminary examination para sa mga nangyayaring patayan sa ilalim ng giyera kontra droga.
Sinundan ito ng pagkansela ng Pangulo sa pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC, na walang legislative approval.
Samantala, minadali na ng ICC ang examination nito at target na maisapinal sa susunod na taon, dito pagdedesisyunan kung magkakaroon ng pormal na imbestigasyon.