PRRD, nanindigang magiging neutral pagdating sa usapin ng franchise renewal ng ABS-CBN

Nanindigan ang Palasyo na tanging ang Kongreso lamang ang may ekslusibong kapangyarihan para makapagbigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, gustuhin man ni Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang franchise bill ng ABS-CBN ay hindi ito maaaring gawin ng Pangulo dahil maliban sa mayruon itong private interest ay hindi talaga sine-certify as urgent bill ang franchise renewal.

Sinabi pa ni Roque na tali ang mga kamay ni Pangulong Rodrigo sa pagbibigay ng prangkisa sa TV giant network dahil tanging ang Kongreso lamang ang maaaring gumawa nito.


Samantala, nakiusap naman ang Palasyo sa mga kaalyado ng Pangulo sa Kongreso na aksyunan sa lalong madaling panahon ang nasabing usapin dahil sa ngayon ay on-session naman ang mga mambabatas kahit ito pa ay online session.

Kasunod nito, ipinaliwanag din ni Roque na hindi makapanghimasok sa naging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN si Pangulong Duterte dahil malinaw na isa itong paglabag sa Code of Conduct ng government official.

Facebook Comments