PRRD, naniniwalang ‘nasagi’ lang ng Chinese vessel ang F/B Gem-Ver 1

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na “sideswiped” o nasagi lang ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng 22 Pilipino sa Recto Bank.

Sa kanyang talumpati sa 122nd Anniversary Celebration ng Presidential Security Group (PSG), muling iginiit ng Pangulo na isa lamang itong maritime accident.

Pero sinabi ng Pangulo na kailangan pa rin ng imbestigasyon para masagot ang mga katanungang sinadya ba ang pagkakabangga o hindi.


Dagdag pa ng Pangulo mayroon siyang ‘classified information’ hinggil sa insidente.

Nanindigan ang Pangulo na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas sa China.

Facebook Comments