PRRD, nasa bansa na matapos dumalo sa 34th ASEAN Summit

Nakauwi na ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang makabuluhang pagdalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand.

Pasado alas-10:00 kagabi nang lumapag ang sinasakyang eroplano ng Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay at sinundo siya ng isang helicopter.

Sa ginanap na ASEAN Leader’s Retreat, dito inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkadismaya dahil sa mabagal na pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea.


Aniya, kapag tumatagal ang pagbuo ng COC, ay mas tumataas ang posibilidad na magkaroon pa ng mga maritime incident sa rehiyon.

Photo Courtesy: PCOO

Tiniyak din ng Pangulo na bilang country coordinator sa ASEAN-China Relations ay patuloy nitong isusulong ang epektibong pagpapatupad ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea.

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ASEAN countries na magkaisa at maging matatag sa pagprotekta sa international law.

Facebook Comments