PRRD, nasa China na para sa Belt and Road Forum

Dumating na sa China si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa isang key infrastructure forum at makipagpulong sa ilang Chinese leaders.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo alas-7:40 kagabi sa Beijing International Airport kung saan sinalubong siya ng ilang Philippine at Chinese officials.

Kasama ng Pangulo sa kanyang apat na araw na pagbisita ang common law partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Veronica.


Ngayong araw ay inaasahang magkakaroon ang Pangulo ng hiwalay na meeting kasama si President Xi Jinping at Chinese Premier Li Kequiang.

Bukas naman ay dadalo ang Pangulo sa opening session ng second Belt and Road Forum kasama ang iba pang world leaders at lalagda ng ilang business agreements.

Ilan sa mga kasunduang posibleng malagdaan ay para sa edukasyon, anti-corruption, official development assistance at drug rehabilitation.

Sa Sabado naman, magtatalumpati ang Pangulo sa leaders’ roundtable bago umuwi sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Belt and Road Initiative, palalakasin ang network ng land at sea links sa Southeast Asia, Central Asia, Middle East, Europe at Africa.

Facebook Comments