Nasa pagitan ng “demonyo” at “deep blue sea” si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni University of the East Law Dean Amado Valdez kaugnay sa pagtugon sa presensya ng Chinese fishermen sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Pagliliwanag ni Valdez, ang “demonyo” ay ang walang kakayahang lumaban habang ang “deep blue sea” ay ang pagpayag sa mga Tsino na mangisda sa EEZ.
Para kay Valdez, magiging isang ‘suicidal situation’ kapag nakipaggiyera ang Pilipinas sa China.
Aniya, ang konstitusyon na ang magbabawal na gumawa ng mga hakbang na maglalagay sa alanganin ang Pilipinas.
Naniniwala si Valdez na mareresolba rin ang problema sa EEZ.
Facebook Comments