Dumating na sa Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 35th Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit.
Dakong 9:52 Biyernes ng gabi nang dumating ang Pangulo sa Bangkok.
Nakatakdang dumalo ang Pangulo sa ASEAN Plus Three Summit kasama ang Japan, China at Korea kung saan tatalakayin niya sa mga kapwa lider ang mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa seguridad at pag-unlad ng rehiyon.
Maliban rito, dadalo rin ang Pangulo sa ASEAN One-on-One Summits sa China, India, United Nations (UN), Estados Unidos at Japan.
Ito na ang ika-apat na pagbisita ng Pangulo sa Thailand matapos ang pagpunta niya doon noong November 2016 para sa libing ni King Bhumibol Adulyadej, opisyal na pagbisita noong March 2017 at ang 34th ASEAN Summit noong Hunyo ng kasalukuyang taon.