PRRD, nilinaw na wala pa siyang itinatakdang deadline para sa water companies kung tatanggapin ang bagong binuong Concession Agreement

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang itinatakdang deadline para sa Maynilad at Manila Water kung tatanggapin ang inamyendahang Concession Agreements.

Ayon sa Pangulo, hindi niya pinamamadali ang mga Water Companies.

Pero sakaling tumanggi ang Maynilad at Manila Water sa mga bagong kasunduan, ipag-uutos ng Pangulo ang kanselasyon ng kasalukuyang kontrata, at imamandato ang Nationalization ng Water Services.


Nabatid na ipinoprotesta ng Pangulo ang Liability Clause ng gobyerno sa Water Concession Agreements, kung saan may pananagutan ang pamahalaan kapag nangialam ito sa pagpapatupad ng water rates.

Sa ngayon, binawi na ng gobyerno ang extension ng Concession Agreements hanggang 2037 na orihinal na mapapaso sa 2022.

Facebook Comments