Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na walang kinalaman ang kaniyang administrasyon sa kasong isinampa laban kay Chinese President Xi Jinping.
Ito ay kaugnay nang isinampang kaso nina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa International Criminal Court (ICC) ukol sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isinagawang courtesy call sa Davao City, nilinaw ni Duterte kay Minister Song Tao ng international department ng Chinese Communist Party na kusang loob na naghain ng kaso ang mga dating opisyal ng Pilipinas.
Aniya, umiiral ang demokrasya sa bansa kaya at wala siyang magagawa para pigilan ang mga ito.
Facebook Comments