Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na i-review ang kontrata sa itatayong Kaliwa Dam sa Quezon Province.
Kasunod ito ng pahayag ng Makabayan Bloc sa Kamara na may mga ‘Onerous’ o kwestyunableng probisyon sa draft contract ng proyekto ng popondohan ng China na aabot sa 12.1 Billion Pesos.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi palulusutin ng Pangulo ang anumang maanomalyang probisyon sa pagtatayo ng Dam.
Pero naniniwala si Panelo na pinag-aralang mabuti ang kontrata.
Facebook Comments