PRRD, pangungunahan ang anibersaryo ng DSWD ngayong araw

49

Sa kabila ng masamang pakiramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon dahil sa tambak na trabaho, dahilan ng pagkansela sa ikalawang pagkakataon ng tete a tete o one-on-one interview ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa Pangulo, ay maayos na ang pakiramdam ng Pangulo at balik trabaho na uli ito ngayong araw.

Sa katunayan, nakatakdang pangunahan ni Pangulong Duterte ang 69th Founding Anniversary ng DSWD mamaya.


Isasapubliko rin ang Malasakit Building Marker at bibigyan ng DSWD Outstanding Achievement Award ang mga natatangi nitong mga empleyado.

Facebook Comments