PRRD, pangungunahan ang kick-off party ng PDP-Laban ngayong araw

75

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang kick-off party para suportahan ang kanyang mga pambato sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Ang PDP-Laban ang political party ng Pangulo na nagdomina noong 2016 elections.

Limang ang kandidato ng PDP-Laban sa pagkasenador, kung saan tatlo rito ay dating appointees ng Pangulong Duterte: ito ay sina dating PNP Chief Ronald Dela Rosa, dating Special Assistant to the President Bong Go at dating Political Affairs Adviser Francis Tolentino.

Kukumpleto sa PDP-Laban senatorial ticket ay sina Senator Koko Pimentel III at Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu.

Gaganapin ang opening salvo ng ruling party sa San Jose del Monte, Bulacan.

Facebook Comments