PRRD, pangungunahan ang opening ceremonies ng SEA Games

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang formal opening ceremonies ng SEA Games sa Philippine Arena sa Bulacan sa Sabado, November 30.

Sasabayan ito ng simultaneous torch run sa Bayanihan Park sa Clark Freeport sa Pampanga.

Mahigpit na seguridad din ang inilatag sa pagbubukas ng regional sport meet, na may 500 events sa 56 sports o 63 disciplines.


Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – nanawagan siya sa lahat ng mga Pilipino na makiisa at suportahan ang ating mga atleta sa gitna ng mga kontrobersiya.

Ang mga atleta, maging ang SEA Games organizers ay kailangan ng tulong upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng sports event.

Facebook Comments