PRRD, papangalanan ang nasa 10 opisyal na sangkot sa korapsyon sa PCSO

Aabot sa halos 10 opisyal ang papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – hintayin na lamang ang magiging anunsyo ng Pangulo dahil hindi raw niya idinetalye ito.

Nang tanungin kung ilalagay sa preventive suspension ang mga PCSO officials, sinabi ni Panelo na walang binanggit ang Pangulo ukol dito.


Matatandaang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng PCSO noong July 27 habang ibinalik ang lotto operations pagkatapos ng apat na araw.

Facebook Comments